Napabayaan daw ni Big Brother… HIRIT NI MYRTLE: LAMPUNGAN SA BAHAY NI KUYA, 'DI NA SHOCKING!
- BULGAR

- Mar 10, 2019
- 2 min read

NAGING usap-usapan ang nakaraang episode ng Pinoy Big Brother Otso showing housemates Andre Brouillette and Lou Yanong kissing several times under the influence of alcohol habang nagkakaroon ng pool party sa bahay ni Kuya.
Matapos ipalabas ang naturang episode ilang araw na ang nakararaan, hati ang naging reaksiyon ng publiko.
Sa panayam sa dating PBB Teens Big Winner na si Myrtle Sarrosa, sinabi nitong dapat daw sana’y nagabayan sila ni Kuya sa mga ganitong kasensitibong sitwasyon sa loob ng PBB house.
“Actually, pahapyaw lang ‘yung mga nakita ko pero tama naman ‘yung advice talaga ni Kuya. Kasi kung naaalala n’yo ‘yung PBB namin, nu’ng nag-start ‘yung PBB Teens, kasi nu’ng season namin, bigla na lang may pumasok na ex-girlfriend and back then, 16, 17 years old lang kami, pero buti na lang, binigyan kami ng guidance ni Kuya.
“So I think, ‘yung ibinibigay na advice is really correct para rin for these adults, kahit adults na sila. They should also watch out and think twice,” pahayag ni Myrtle sa ginanap na presscon for her latest Regal Films movie titled Papa Pogi.
Sabi pa ng aktres, being in a reality show also comes with its set of responsibilities as a housemate.
“Kami rin, nu’ng nasa bahay kami ni Kuya, tapos may mga ganu’n, parang you are in the house to also learn about yourself. Pero hindi lang ‘yun about yourself, eh. It’s also to set an example. So, buti na lang si Kuya, he gives the right advice para rin ma-guide.
“Para sa akin din, parang if you don’t have a relationship with a person, why would you kiss them? Hindi mo rin alam ‘yung feelings mo para sa kanya. Hindi mo puwedeng gawing dahilan ‘yung alcohol or being out of yourself. Parang you should always still have a bit of control. Tapos, ano’ng sasabihin ng pamilya mo rin?” mahaba-haba niyang paliwanag.
Noong malaman niya ang kissing incident, sabi ni Myrtle, hindi na siya na-shocked.
“Sa totoo lang kasi, sa millennium na ito, ang dami kasi na kahit walang relationships, naghahalikan na. May ganu’n. Hindi ko sinasabing ako, pero I mean, parang you get exposed to this kind of environment na ‘pag sa mga parties and stuff, may mga ganu’n. Pero dapat pa rin talaga, may guidance from those older than you,” sey pa niya.
Sabi pa ni Myrtle, ang purpose talaga ng PBB ay ipakita ang totoong ikaw, pero para sa kanya, hindi tama ang ginawa nina Lou at Andre on national television.
“Du’n mo talaga makikita kung sino talaga sila, eh. So PBB naman, inilalagay mo ‘yung iba’t ibang klase ng tao sa isang bahay, tapos iba ‘yung personalities. Para sa akin, they can be true to themselves pero at least, alam din nila kung ano ‘yung tama at mali at buti na lang, nasasabi sa kanila ‘yun.
“Parang kaedad ko lang yata sila para pangaralan sila. Pero kung kaibigan nila ako in real life, sasabihin ko rin sa kanila na mali,” pagtatapos pa ni Myrtle.





Comments