Misis, malapit nang manganak… DINGDONG, BAWAL LUMAYO KAY MARIAN


NALALAPIT na ang panganganak ni Marian Rivera sa second baby nila ni Dingdong Dantes at ayon sa aktor, gabi-gabi bago matulog ay nagdarasal sila ng Holy Rosary at nagno-novena para sa safe delivery ng kanyang misis.
Dahil dito ay nagtatanong daw ang panganay nilang si Zia kung bakit nila ginagawa ‘yun.
“Sabi ko, ‘It’s prayer, it’s praying the rosary,’ and then (tinatanong niya), bakit kailangang gawin ‘yun, so ipinapaliwanag namin,” sey ni Dingdong sa press launch ng Persian Avenue food chain, kung saan ay pormal na ipinakilala ang aktor as its newest brand ambassador.
Natutuwa si Dingdong na nasa stage na ng curiosity si Zia at nagtatanong na ng mga bagay-bagay lalo na tungkol sa religion.
In a few weeks daw ay manganganak na si Marian sa kanilang baby boy kaya hindi na siya talaga puwedeng lumayu-layo pa.
“Medyo malapit-lapit na talaga kaya hindi na ako puwedeng lumayo pa sa Metro Manila,” natatawa niyang sey.
Wala pa raw silang napipiling name ng kanilang baby boy pero may mga pinagpipilian na silang dalawang pangalan na lang.
Bilang preparasyon ay nagbabawas na raw sila ng trabaho at sa Holy Week ay dito na lang sila.
Samantala, ang Persian Avenue ay pag-aari ng magkapatid na Arjay at Paolo Lapid ng Angeles, Pampanga. In a span of 4 years, they were able to create 44 branches at target nila for 2019 na magkaroon ng 150 branches.
Proud si Dingdong na mapiling brand ambassador ng nasabing food store at plano rin niyang magkaroon ng franchise nito. Aniya, bago pa man siya kuning endorser ng Persian Avenue ay pina-patronize na niya ito.





Comments