top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

KATROPA, PINAGTULUNGAN ANG ELITE

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 10, 2019
2 min read

WALANG awang kinalos ng TNT KaTropa ang Blackwater Elite, 127-89 upang pindutin ang pangatlong sunod na panalo kagabi sa 2019 PBA Philippine Cup sa Ynares Center, Antipolo.

Sumalo sa No.3 spot ang KaTropa kasama ang Alaska Aces tangan ang tig-5-3 karta upang mapalakas ang pakay na makalaro sa eight-team quarterfinals.

Nagtala si Roger Pogoy ng 28 point at anim na rebounds para sa KaTropa habang bumakas si Jericho Cruz ng 20 markers. Sa simula pa lang ng laban ay humarurot na ang KaTropa, hinawakan nila ang 11-point lead, 56-45 sa halftime.

Samantala, isa sa mainit na teams ngayong conference ang San Miguel Beer dahil sa kanilang three-game winning streak kaya naman inaasahang ganado silang harapin ang NorthPort Batang Pier.

Tangan ang 5-3 karta, puntirya ng Beermen na sikwatin ang pang-apat na panalo laban sa Batang Pier sa 4:30 p.m. sa Araneta Coliseum. Nais ni coach Leo Austria na magpatuloy ang pamamayagpag ng San Miguel upang lumakas ang tsansa nilang sumampa sa susunod na phase.

“I hope we can continue this momentum,” saad ni Austria matapos nilang kalusin ang NLEX 121-111 noong Biyernes. “This is our third win and hopefully ma-sustain namin ito.”

Habol ng mga teams ang makasampa sa top two pagkatapos ng elimination round dahil mabibiyayaan sila ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals. Paalala ni Austria sa kanyang mga bataan na manatili ang tikas at determinasyon upang makamit ang kanilang inaasam.

“We’re still aiming for one of the top two slots. Although it’s very hard, the chance is still there,” ani Austria. “Alam namin na we need to win in our last three games.” (ATD)

Mga laro ngayon: (Araneta Coliseum)

4:30 p.m. - NorthPort vs San Miguel Beer

6:45 p.m. - Phoenix vs Bgy. Ginebra

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page