HOROSCOPE | MARSO 10, 2019 (Linggo)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG MARSO 10, 2019 (Linggo): Pagkakalooban ka ng langit ng maraming biyaya dahil isinilang ka na mas masuwerte kaysa sa mga pangkaraniwan. Ito ang ibig sabihin ng araw na ito ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lagyan mo ng saya ang buhay mo. Hindi maganda sa tao ang sobrang seryoso. Dapat mong malaman na kapag masaya, mas magagandang oportunidad ang magdaratingan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-10-19-20-21-25-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kulang ka sa init, kaya magpainit ka sa umaga. Kapag nasobrahan ka sa lamig, malaki ang posibilidad na magkaroon ka ng karamdaman na may kaugnayan sa lamig. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-13-15-28-33-37.
GEMINI (May 21- June 20) - Bakit mo hinahanap ang lungkot? Sawa ka na ba sa masasayang kaganapan? Ang solusyon ay ang makipagsapalaran ka sa mga aktibidad na makapigil-hininga. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-25-29-31-32-38.
CANCER (June 21- July 22) - Nag-aabang sa landas ng buhay na iyong tinatahak ang mga bagong pakikipagsapalaran. Ito ay kung magpapatuloy ka na hindi mabuhay sa nakaraan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-13-18-20-26-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Muling ibinalik sa iyo ang espesyal mong karapatan. Hindi ka dapat magkamali nang sa gayun ay hindi ito masayang, gamitin mo ito sa pagpapaunlad ng buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-16-27-31-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Talunin mo ang iyong pag-aalinlangan. Kapag tinalo mo ito, reregaluhan ka ng langit ng nakamamangha at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-15-17-29-31-39.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Talo ang mainisin at mas malaking katalunan ang magalit. Panalo naman ang marunong magparaya at may mahabang pasensiya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-18-22-28-35-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magugulat ka sa mga sorpresang darating sa buhay mo. Ang paunang impormasyon ay ang mga kahilingan mo sa langit na akala mong wala na, pero magkakaroon pa rin ng linaw. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-16-20-21-26-32.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kunin mo ang iyong karunungan mula sa palaisipan ng iyong buhay kung saan makukuha mo ang kasagutan. Gamitin mo ito para mapaunlad mo pa ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-10-12-24-30-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bigyan mo ng saya ang iyong sarili. Hindi tama na puro lungkot na lang ang iyong nararamdaman. Ngayon mo kailangang magkaroon ng kalayaan sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-14-17-23-27-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Malapit lang sa iyo ang mga suwerte mo, ibig sabihin, hindi malayo at hindi mo na ito kailangang hanapin. Kung sino ang malapit mismo sa puso mo, siya na ang magiging suwerte mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-9-12-28-30-31.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sa pamamasyal matatanggal ang iyong kalungkutan, kaya dapat kang mamasyal. Sasaya ka at sa sandaling ikaw ay masaya, ang magagandang ideya ay maglalabas-masok sa isipan mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-21-25-28-30-44.




Comments