top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Dagdag-pensiyon sa gov’t. employees, aprub!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 10, 2019
  • 1 min read

GOOD news sa mga retiradong empleyado ng gobyerno!

Hiniling na ng Government Service Insurance System (GSIS) kay Pangulong Rodrigo Duterte na payagan silang makapagtaas ng monthly minimum basic pension.

Ayon sa GSIS, nais nilang gawing P6,000 ang minimum na pensiyon mula sa kasalukuyang P5,000.

Kung saan, ang nasabing dagdag-pensiyon ay inaprubahan na umano ng Board of Trustees.

Kapag inaprubahan ito ng pangulo, nasa 67, 201 old-age at disability pensioners ng GSIS ang magbebenepisyo.

Malaking bagay para sa mga dating empleyado na halos hindi naman nagbago ang mga pangangailangan. ‘Yung iba, nadagdagan pa, lalo na silang mga nagkakaroon na ng karamdaman.

Sakaling paboran ng pangulo, may dagdag-P1,000 na para sa gamot o pandagdag na budget sa pagkain.

Kung tutuusin, walang katumbas ang tapat na pagsisilbi sa taumbayan.

Ang serbisyo-publiko ay gawain na taos-pusong ginagampanan.

Bagama’t, hindi maitatanggi na may mga pasaway sa gobyerno, marami pa ring tapat at nasa pagkatao talaga ang pagiging public servant.

Hindi na tinitingnan ang suweldo kundi ang pagkakataon kung paano makatutulong sa kapwa.

Kaya marapat lang na sa anumang paraan, ito ay masuklian.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page