Pag-eskapo ng mga ISIS, napigilan
- Jersey Sanchez
- Mar 9, 2019
- 1 min read
NAPURNADA ang pagtakas ng halos 400 Islamic State militants mula sa lupain sa Syria na kanilang pagmamay-ari.
Ayon sa commander ng Syrian Democratic Forces, nahuli ang mga jihadist habang sinusubukang tumakas sa Baghuz katulong ang mga smuggler.
Unang sumuko at umalis sa lugar ang iba pa nilang kasamahan.
Ito ay matapos silang paulanan ng bomba ng US forces nang idineklara ang pagtatapos ng ‘caliphate’ na ipinroklama ng ISIS noong 2014.





Comments