Manager tinodas sa opisina
Pabs Hernandez III
Mar 9, 2019
1 min read
ORMOC CITY—Isang manager ang binaril at napatay ng hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa loob ng kanyang opisina sa Bgy. Cogon sa lungsod na ito.
Ang biktima ay nakilalang si Romeo Oledan, manager ng MSS Cycle Trading sa naturang lungsod.
Nabatid na pumasok umano ang suspek sa tanggapan ni Oledan at dito pinagbabaril ang biktima hanggang sa mapatay.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang suspek.





Comments