top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Madlang pipol, unfair daw sa kanya… SIGAW NI JK: SIKAT NA AKTRES, NAGMURA, CUTE PA ANG DATING SA IBA

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 9, 2019
3 min read

NU'UNG Huwebes (March 7), naglabas ng hinaing ang singer na si Juan Karlos “JK” Labajo sa social media kaugnay ng kontrobersiyal niyang video kung saan nagmura at nag-dirty finger siya habang nasa entablado.

Nangyari ang insidente noong March 1 habang nagpe-perform si JK sa Rakrakan 2019: 2 Days of Love, Peace & Music sa Circuit Makati. May isang fan na sumigaw ng “I love you, Darren!” kaya ikinagalit ito ni JK.

Hindi pinalampas ni JK ang pambabas­tos sa kanya ng nasabing fan. Tatlong beses niya itong minura at nag-dirty finger pa siya.

Nakunan ng video ang ginawa ng singer at nag-viral nga ito. Umani ng batikos ang naging aksiyon ni JK, ngunit meron din namang mga nagtanggol sa kanya.

Nu’ng Miyerkules (March 6), may mga naunang posts si JK sa Instagram Story para depensahan ang sarili hinggil sa insidente. Umalma ang singer dahil sa panghuhusga ng netizens sa pagkatao niya dahil sa video.

Ipinagtanggol ni JK ang sarili na bagama’t unprofessional ang kanyang ginawa bilang performer, normal daw ang naging reaksiyon niya bilang isang tao.

At nito ngang nakaraang Huwebes, nag-post ng mga mensahe sa Instagram Story ang dating The Voice Kids grand finalist kaugnay ng kinasasangkutang kontrobersiya. Idiniin niya ang pagiging “unfair” ng ibang tao sa kanya.

Ibinigay na halimbawa ni JK ang pag­mumura ng isang “sikat na girl artista,” na cute pa rin daw ang dating sa ibang tao, samantalang nu’ng siya raw ang nagmura, sobrang pambabatikos ang inabot niya at hinusgahan pati ang pagkatao niya.

Buong post ng singer: “Hmm bakit pag si *insert sikat na girl artista* ay nagmura, sinasabi ng tao, ‘Ang cute!’ ‘Di nila sinasabi na unprofessional and all?

“Pero ‘yung tipong ‘pag ako ang nagmura, ang dami-dami nang sinasabi. Lumaki na ang ulo, nagbago na, mayabang na, etc. etc…

“Unfair man.”

Sa sumunod niyang post, sinabi ni JK na nag-delete na siya ng Facebook at Twitter accounts dahil sa mga bumabatikos sa kanya.

“Dinelete ko Twitter and FB ko kasi masyado maraming mga ano dun… mga… ano.

“So ito na Twitter ko thnx,” pagtukoy ni JK sa Instagram account niya.

Ini-repost naman ni JK ang screenshot ng opinion article ng isang entertainment writer na nagtatanggol sa kanya. Ayon sa entertainment writer, tao lang si JK at hindi ito masisisi dahil ang pagmumura at pagdi-dirty finger nito ay reaksiyon bilang isang tao na binabastos.

Sa totoo lang, ilang beses na naming nakakapanayam si JK sa mga presscons ka­ug­nay ng kanyang mga sinalihang teleserye sa ABS-CBN noon. Marespeto siyang magsalita at laging nag-o-“opo”. Hanggang sa dumating ang puntong nagkaroon sila ng away ni Darren at never na namin siyang nakikita sa lobby ng ABS-CBN o saanmang show ng Kapamilya.

‘Yun pala, sa kanyang panana­himik, may pasabog itong handog sa kanyang mga fans. Dahil may talent at good looks (tumaba nga lang), big­lang pinag-usapan at sumikat muli si JK sa pamamagitan ng kanyang Buwan. Bigla siyang pinagkagu­luhan at inidolo ng mga mahihilig sa rock music gaya ng mga nagtitiliang fans na nanood sa kanya sa nakaraang Rakrakan sa Circuit, Makati.

In fairness, saanmang dako ng ‘Pinas, maging mga kids sa bahay o high school students sa Marikina, laging kinakanta ang Buwan.

Sa nangyari kay JK, may mga masas­amang elemento na gusto siyang sirain. Huwag na sana siyang padadala sa kanyang emosyon. Nangyayari rin sa ibang artists ang binabastos ng ilang fans, but they kept calm at chill lang sila. Anything goes, ‘ika nga. ‘You can’t please everbody’.

Hindi gaganda ang show kung walang kontrabida.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page