Hinay-hinay lang daw, JK… HIRIT NI TEDDY: PAGMUMURA NG MGA RAKISTA, 'DI COOL!
- BULGAR

- Mar 9, 2019
- 3 min read

DAHIL sumabak na rin sa pelikula si Teddy Corpuz ng bandang Rocksteddy at co-host ng It’s Showtime via his launching film under Regal Entertainment na Papa Pogi, natanong ang singer/host sa presscon ng pelikula kung balak ba niyang kumpitensiyahin ang kaibigan at kasamahan din sa noontime show na si Vhong Navarro.
“Sobrang idol ko po si Vhong, eh,” deklara ni Teddy, “para sa akin, hindi po ako kakompetisyon. Siguro, ibang flavor lang din.
“Parang kunwari, Empoy. Si Empoy din, eh, nakakatawa rin ‘yun, eh. Kaibigan ko rin si Empoy. Para sa akin, ganu’n lang po. Siguro, ibang flavor lang, ibang feel lang siguro ng Vhong Navarro.”
Noon pa raw talaga ay sobrang iniidolo na niya si Vhong at lagi niya itong sinasabi sa co-host.
“Hindi ako makapaniwala na isang Teddy Corpuz, isang rakista na galing sa Lagro na wala naman kaming pamilya na… hindi naman kami pamilya ng artista, eh. Wala akong kamag-anak na artista or whatever.
“Pero masasabi ko na ‘Men, kilala ako ni Vhong Navarro. Kilala ako, kaibigan ko si Anne Curtis. Kilala ako mismo ni Kuya Kim (Atienza) or ni Vice Ganda, ni Billy Crawford.’ Lagi kong sinasabi sa kanila na hanggang ngayon ay naa-amaze pa rin ako na kilala nila ako at kaibigan ko sila.”
When asked kung ano ba ang suportang ibinibigay sa kanya ng mga kasamahan sa It’s Showtime sa launching movie niyang ito, especially Vice Ganda, ayon kay Teddy, dumalo lang ang mga ito sa premiere night ay okay na okay na siya.
“‘Yung premiere lang, malaking “thank you” na sa akin ‘yun. Ngayon ko lang naiintindihan ‘yung mga big artista kapag nag-i-invite sila ng screenings o mga premiere night, ang saya pala sa puso nu’n,” sabi ni Teddy.
Kaya naiintindihan niya rin daw na nakakapagtampo pala kapag hindi nagpupunta ang mga kaibigan ng isang artista sa premiere ng movie nito. Kapag hindi raw siya nakakapunta sa premiere night ng movie minsan ni Anne, halimbawa, ay ina-announce pa raw nito sa ere na hindi siya nakapunta.
“Ngayon ko lang nalalaman na sobra palang sarap sa pakiramdam na ‘yung kaibigan mo, especially ako, hindi naman ako big artist, eh. Para pumunta ang isang Vhong Navarro o Vice Ganda sa premiere ko, siguro, maiiyak talaga ako,” saad ni Teddy.
Hindi naman daw siya magtatampo kapag hindi nagpunta ang mga ito pero manunumbat daw siya dahil ang dami raw pelikula ng mga ito na pinuntahan niya ang preem night although siyempre ay may hindi naman daw siya nadaluhan.
“So, sana, sana pumunta sila,” wish pa ni Teddy.
Aminado siyang nag-i-expect talaga siya na pumunta ang mga kasamahan sa It’s Showtime in full force dahil siyempre, ito ang first movie niya at parang mga kapatid na niya ang turing sa mga ito.
Samantala, isa pang natanong kay Teddy ay ang talk of the town ngayon na pagmumura ni JK Labajo sa isang fan dahil nga sinigawan siya ng “I love you, Darren” habang nagpe-perform sa Rakrakan Music Festival last March 1.
Nahingan si Teddy ng opinyon since rock star nga rin siya at aniya, gusto sana niyang kausapin si JK nang magkasama sila sa isang gig 2 or 3 days ago.
“Gusto ko sanang kausapin na, ‘Uy, ano, ha? Hinay-hinay lang sa mga ano, ha, especially sa pagmumura.’ Kasi ‘pag bata ka, parang feeling mo minsan, cool ‘yung nagmumura ka or ‘pag rakista ka, cool ‘yung nag-aano ka, ganyan.
“So, baka lang ano, baka lang kailangan din ng guidance ng isang rakista to rakista. So, siguro, kung may time kaming mag-usap, puwede ring i-encourage ko siya na ‘Uy, steady ka lang sa ano, ‘pag may ganu’n, tawanan mo lang or ‘Uy, thank you ha?’ or may ibang paraan to do that naman din siguro para hindi disrespectful also,” sey pa ni Teddy.
Kung sa kanya raw kasi nangyari ‘yun ay magte-thank you na lang siya at hindi na magpapakita ng pagkapikon.
Anyway, ang premiere night ng Papa Pogi ay gaganapin sa March 18 at ang regular showing naman ay sa March 20. Mula sa direksiyon ni Alex Calleja, kasama rin sa movie sina Donna Cariaga at Myrtle Sarroza bilang leading ladies ni Teddy, at sina Lassy, Joey Marquez, Dawn Chang, Hashtags members Nikko Natividad, Zeus Collins and Luke Conde.




Comments