Rider tepok sa trak
PANGASINAN—Isang rider ang namatay nang aksidenteng mabangga ng trak ang minamaneho nitong motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Binmaley sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Armando Fernandez, residente ng nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng trak na minamaneho ni Emmanuel Santos kaya nabangga nito ang kinalululanang motorsiklo ng biktima.
Kusang sumuko naman sa pulisya si Santos na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.





Comments