PROFESSOR JONES VS. MULTI AWARDEE SA WTA
- Green Lantern
- Mar 8, 2019
- 2 min read

KAPANAPANABIK ang matutunghayan ng bayang karerista sa bawat karerang bibitiwan sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) sa Carmona, Cavite ngayong gabi.
Sa simula ng Winner-Take-All (WTA) sa Race 1, tatlong mananakbo ang napipili ko na maglalaban sa unahan na pangungunahan ng Multi Awardee, Professor Jones at Silver Glow.
Walang dapat iwanan sa tatlong kalahok upang makasiguro ng puntos sa WTA na maglalaban sa pagtikada ng Condition Race (16). Susunod na maghaharap ang mga kalahok sa 3-Year Old Group Race Merge (5-6) sa Race 2, pinapaboran ang Ready Set Go laban sa Couple Entry na Will To Win at What A Feeling bilang pamoste sa Pick 6 event.
Sa Race 3 kung saan magsisimula ang Pick 5 event, balikatan ang magaganap sa mga kalahok na Mighty Maton, Money Machine, Watermania at Batang Arrastre. Binibigyan ko ng laban ang Navy Cut na rerendahan ni Class B Jockey C.S Pare, na mula sa matagal na bakasyon.
Sa Race 4, magaganap ang laban sa Condition Race (22) at pinapaboran ang Daaanbantayan, laban sa Princess Glory, Summer Star at Princess Atiana.
Ipinapatok ang Momentum habang binibigyan ng laban ang mga kalahok na Humuhumunukunuku, Single Flower, My Lady Consa at Native American sa pag-alagwa ng Race 5.
Maglalaban ang Lady Bell at Trust Worthy sa Race 6 habang sa Race 7 ay pinapaboran ang Diamond’s Best laban sa Lucky Saver, Toscana at Deeper.
Tip ni Mang Ding- Race 1- Multi Awardee (6) Silver Glow (1) Professor Jones (5) Race 2 -Ready Set Go (8) Entry No.5 Race 3-Mighty Maton (4) Watermania (3) Batang Arrastre (6) Race 4- Daanbantayan (2) Princess Glory (4) Race 5-Momentum (4) Single Flower (3) My Lady Consa (5) Race 6-Lady Bell (6) Trust Worthy (5) Race 7-Diamond’s Best (5) Lucky Saver(2).





Comments