Nag-f*ck you na sa fans, minura pa, singer binanatan… SIGAW NI JK: LINIS-LINIS N'YO, MGA SANTO P

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

PUMALAG ang singer na si JK Labajo sa mga netizens na humuhusga sa kanya dahil sa ginawa niya sa katatapos lang na Rakrakan Festival noong March 1, kung saan paulit-ulit niyang minura at nag-dirty finger pa sa isang audience na sumigaw ng “I love you, Darren” habang siya ay nagpe-perform sa entablado.
Kumalat sa social media ang video na ito ni JK kaya maraming netizens ang nakisawsaw at kumokondena sa ginawa ng singer.
Nagsimula ang kanilang away noong nakaraang taon at nagkaroon nga ng matinding social media war sa pagitan nina Darren Espanto at JK Labajo, kung saan diumano, may mapanirang tweet na binitiwan ang huli laban sa kanyang kasamahan sa The Voice Kids noong 2014.
Dinepensahan naman ni JK ang sarili at sinabing na-hacked lang ang kanyang account, ngunit hindi ito kinagat ng kampo ni Darren.
Nitong Miyerkules (March 6), dinepensahan ni JK ang sarili sa pamamagitan ng pagpo-post sa kanyang Instagram Story kaugnay ng nangyari sa Rakrakan Festival.
Ang pahayag ni JK ay para sa mga netizens na nakapanood daw ng kanyang kumakalat na video sa social media.
“‘Wag ka manghusga ng tao dahil lang sa mga video na nakikita mo. Lalo na kung hindi mo alam ang tunay na konteksto.
“At saka hindi porke’t nagmumura, masama na ang ugali, lumaki na ang ulo,” panimula ni JK.
Dagdag pa niya, “Linis-linis n’yo naman, mga santo pala kayo.”
Dinepensahan din ni JK ang kanyang pagmumura.
“Sa Pilipinas lang pinaka-big deal ‘pag nagmura ang isang artist. Bakit kaya?
“I’m a chill guy but then for sure, hindi lang ako ang tao na napupuno rin,” ang naging pahayag ng singer.
Aminado rin ang singer na bilang performer ay ‘unprofessional’ ang kanyang ginawa, pero para sa kanya, bilang tao ay ‘normal’ lang ito. Sinisi rin ni JK ang mga manonood na bumabastos sa kanilang mga performers.
Aniya, “‘Yun ‘yung problema, eh, sobrang daming mga bastos at walang modo sa mga shows. Naghahanap ng paraan para mapansin. Mga asal-hayop. Kaya pala hindi umuunlad ang ating bansa.”
Idiniin din ni JK na huwag siyang husgahan base lamang sa napanood na video.
Aniya, “At saka oo nga pala. People need to learn that there are different personalities that me personally as an artist have.
“The me off stage, and the motherfucker you see on stage.
“I’d rather have you judge me if you know me well. If you know me personally. If you’ve been with me and my band somewhere na wala kaming ganap.”
Dagdag niya, “Mahirap na magaya kayo sa iba na kung ano ang nakikita sa mga video na kumakalat grabe na agad makapanglait. Na kung ano ang chika-chika na narinig, grabe na agad makapanghusga.”
Kahapon (March 7), muling nag-post si JK at sinabing hindi pa handa ang ‘Pinas para sa rock ‘n roll.
Aniya, “FILIPINOS AIN’T READY FOR ROCK AND ROLL.
“FILIPINOS ARE AFRAID TO APPRECIATE TRANSPARENCY FROM TRUE ARTISTS. HECK EVEN LISTEN AND PAY FOR TRUE ARTISTS.
“I’M NOT SAYING ALL FILS OF COURSE BUT YOU KNOW WHAT I MEAN.”
Malaman pa niyang pahayag, “THEY CAN’T STOP LOVING THAT SUGAR COATED PRETENTIOUS ANGELS THEY SEE ON TV. ‘UGH WHAT AN AMAZING HUMAN BEING SO KIND.’”
Sa huli, nagpasalamat si JK sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya.
Aniya, “Maraming salamat sa lahat ng mga taong umintindi at sumusuporta sa ‘kin. mahal ko kayo.
“Panatilihing bukas ang isipan.
“Rock on!”





Comments