top of page

Ginawa na sa Taiwan… PANGARAP NI MAINE, TINUPAD NA RAW NI ARJO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 8, 2019
  • 1 min read

Nitz Miralles / BIDA

NAKUNAN ng pictures sina Arjo Atayde at Maine Mendoza habang nasa Taiwan, nagpapalipad ng sky lantern na isa sa mga rason ng pagpunta nila ru’n.

Sa isang picture, makikita si Maine na may isinusulat. Sabi ng isang netizen, sweet si Arjo dahil ang isa sa mga nasa bucket list ni Maine ay natupad dahil sa kanya. Pink ang lantern na pinalipad nina Maine at Arjo na ang ibig daw sabihin ay love and romance.

Inaabangan na ang pagbabalik sa bansa nina Maine at Arjo, pero siguradong hindi sila magpapainterbyu. Mag-abang na lang sa ilalabas nilang photos sa Taiwan vacation nila at kung ano ang ilalagay nilang caption.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page