Gamit na gamit sa kampanya, Sen. Bong… BRYAN, IPINAGKAKALAT NA 'WONDERWOMAN' SI LANI


ANG panganay na anak ni Bong Revilla, Jr. na si Bryan ang madalas na kasa-kasama ni Bacoor Mayor Lani Mercado kapag sila ay nag-iikot sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila para tulungan ang kanilang padre de familia sa pangangampanya.
At mukhang nahasa na si Bryan sa campaign trail dahil may confidence na ito kapag nagsasalita sa stage. Marami ang natuwa sa kanya nang dumalo sila sa isang event sa Parañaque City.
Dahil wala ru’n ang kanyang Papa Bong, sinabi ni Bryan sa mga taong naghahanap sa dating senador na kahit wala ang “Anak ng Agimat”, nandu’n naman siya, ang ‘anak ni Teteng!’ Gets na gets ng mga Parañaqueños ang pakuwela ni Bryan.
Ang tawag naman ni Bryan sa kanyang Mama Lani (Mercado) kapag ipinakikilala niya ay si “Wonderwoman”. May joke tungkol dito pero ‘wag na lang daw alamin kung bakit naging Wonderwoman si Mayora Lani ng Bacoor City.
Anyway, may sikreto naman si Bryan Revilla na ibinuking ng kanyang mama dearest. Kung si Jolo raw ay morena beauty ang type na babae, si Bryan ay ‘yung maputi at flawless ang gusto.
Walang love life si Bryan kaya maraming girls ang inirereto sa kanya upang magka-girlfriend na! Pero, enjoy naman siya sa pagiging single.





Comments