DAVAO, IMUS AT CEBU, LALABAN PA SA PLACINGS NG DATU CUP
- BULGAR

- Mar 8, 2019
- 2 min read

IPINAGPATULOY ng top seed Davao Occidental ang winning mentality bago pa man ang playoffs, pero ang karera para sa southern division top two berth ay nanatiling mahigpitan ang agawan ng tatlong teams kasunod ng huling panalo ng Tigers.
Nilapa ng Tigers ang host team Muntinlupa Cagers, 88-82, Miyerkules ng gabi, na naka-3-way tie para sa 2nd – 4th spots sa southern division ng MPBL Datu Cup.
Kasunod ng kanilang panalo laban sa Cagers, tinapos ng Tigers ang elimination round sa 20-5 win-loss slate, pero ang kanilang pinakahuling panalo ang naglagay sa kanila para sa mas komplikadong no. 2 seat.
Ang panalo ng Davao Occidental sa General Santos, 93-89 na tinalo rin ang Mandaluyong ay nalagay sa three-way tie sa Warriors, ang Cagers at ang Batangas City Athletics, lahat sila ay may hawaak na 14-10 win-loss records.
Sa bisa ng malakas na seeding, okupado ng Batangas City ang No.2 seat kasunod ang Muntinlupa at no. 3 ang General Santos City sa 4th spot.
Pero ang Batangas at General Santos City ay may laban pa sa Lunes sa Batangas City Coliseum habang ang Muntinlupa ay mapapalaban sa Navotas sa pagpapatuloy ng huling 1:34 ng kanilang laban na na-reset ang laro dahil nasira ang rim ng nakaraang ilang buwan.
Nagwagi ang Tigers sa kabila ng wala ang kanilang top guard na si Billy Robles na nagpapagaling dahil sa injury kasunod ng pagkawala ni Bonbon Custodio na na-thrown out sa game kasama si Dhon Reverente dahil sa pag-aaway nilang dalawa. Pareho silang na-technical fouls, bagamat solido ang kanilang kontribusyon sa laro.
May naambag na 23 puntos si Leo Najorda, may double-double effort si Mark Yee na 14 at 10 si Adormeo para sa Davao Occidental. Haharapin ng Davao Occidental ang Imus at Cebu na lalaban pa para sa huling dalawang placings ng south division ng torneo. (MC)





Comments