‘Nangialam’ sa internal affairs | GERMAN AMBASSADOR SA VENEZUELA, OUT
INANUNSIYO ng Venezuelan government na palalayasin si German Ambassador Daniel Kriener.
Idineklara ng gobyerno ang ‘persona non-grata’ kay Kriener dahil sa umano’y pakikialam nito sa internal affairs ng bansa.
Gayunman, si Kriener ay isa sa mga grupo ng diplomats na sumalubong kay Venezuela opposition leader Juan Guaido sa pagbabalik nito sa Venezuela ngayong linggo.
Samantala, kabilang ang diplomats mula sa Argentina, Brazil, Canada, Chile, Ecuador, France, The Netherlands, Portugal, Romania, Spain at U.S. sa mga sumalubong kay Guaido ngunit, si Kriener pa lamang ang ideklarang persona non-grata.
Dahil dito, binigyan ng 48 oras ang naturang ambassador upang lisanin ang bansa.
Matatandaang, pinamumunuan ni Guaido ang National Assembly at nangakong palalakasin ang kampanya upang mapabagsak ang gobyerno ni Venezuelan President Nicolas Maduro.





Comments