Suportado raw nina Regine at Lani… MORISSETTE, PALIT SA TRONO NI SARAH


OVERWHELMED si Morissette Amon sa pagtatanggol at papuring natanggap niya mula sa naglalakihang divas na sina Regine Velasquez at Lani Misalucha. Buong-ningning na ipinagtanggol si Morissette ni Asia’s Songbird Regine sa mismong fan niya na nang-bash sa younger diva sa social media.
Nabasa mismo ni Morissette ang pamba-bash sa kanya nu’ng fan at aminado siya na sobra siyang nasaktan.
“Siyempre, hindi po maiwasan na nasaktan din po talaga ako. Pero ako rin kasi ngayon, kapag may nabasa ako na ganu’n, dedma na. Pero talagang na-hurt po ako,” pahayag ng tinagurian bilang Asia’s Phoenix.
Maraming beses na rin daw siyang na-bash, pero ‘di niya masyadong pinapansin.
“Siguro, dahil sa sobrang sanay na ako, wahhh!” pabirong lahad niya. “Parang sanay na, hindi na ako madaling maasar. Mas nagulat po ako kasi nakakuha po ako ng notification sa phone ko na nag-tweet si Ms. Redj about that topic. So, siyempre, parang mas apektado si Ms. Redj. I think first time, sa pagkakaalam ko, hindi siya laging ganu’n na talagang ‘pag naiinis or ‘pag nagdi-defend siya.”
Sobra raw siyang touched sa ginawang pagtatanggol sa kanya ni Regine. And right after that lumabas ‘yun ay nag-text agad sa kanya si Regine.
“Nag-sorry pa rin siya. Sabi ko, ‘Ms. Redj, hindi mo naman po kasalanan. Saka, hindi natin controlled ang lahat ng tao.’ But sobra kong na-appreciate kasi siyempre, sa lahat ng achievements ni Ms. Redj ay patuloy pa rin siyang nananatiling grounded and very supportive sa mga bagong artists ngayon. And, sa parang nag-defend po siya sa akin, grabe! Sobrang priceless,” diin pa niya.
Sa isang interbyu naman sa Asia’s Nightingale, sinabi ni Lani Misalucha na kung meron man daw siyang kinatatakutan na makasabay sa kantahan on stage, ito’y walang iba kundi si Morissette.
“Bakit po siya natakot sa akin? Sana, it’s a good thing na takot naman. Pero, hindi ko alam, ngayon ko lang po kasi nalaman. Pero looking back po ru’n sa concert namin ni Ms. Lani sa Solaire, ‘yung A Lani-Morissette Musical Journey, sobra akong natuwa. Kasi sobrang humble rin po pala niya. As in, parang barkada lang namin siya,” sabi ni Morissette.
Pagpapatuloy pa niya, “And, siguro natakot, ay! Nagamit po niya ‘yung term na ‘yun, or ako ‘yung naisip niya siguro dahil very daring ako when it comes to performing. And siyempre, siya as a singer, parang kani-kanya kasi kami ng style. Kaya siguro, kung na-reflect niya sa sarili niya, siguro, it’s something na hindi niya comfort zone. Kaya siguro po, ganu’n. Pero sobrang humbled po ako sa mga compliments nila.”
Bongga siguro kapag pinagsama-sama sa isang concert ang tatlong “ibon” este singers. At ano naman kaya ang magiging title ng concert kapag pinagsama-sama sina Songbird, Phoenix at Nightingale?
Anyway, with Regine and Lani na super ang support kay Morissette at bilib sa talent niya, ‘di malayong siya na ang papalit sa trono ni Popstar Sarah Geronimo. Tamang-tama naman dahil mukhang gusto nang mag-settle down ni Sarah sa piling ng boyfriend niyang si Matteo Guidicelli.





Comments