Superstar, 'di raw bagay dahil masyonda na… NORA, INAYAWAN NI SEN. NANCY NA GUMANAP SA BUHAY NIY
- BULGAR

- Mar 7, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

SI Kathryn Bernardo ang binanggit ni Sen. Nancy Binay na bet niyang gumanap bilang siya sakaling i-feature ang life story niya sa drama anthology ng ABS-CBN at GMA-7.
May nagbanggit ng pangalan ni Nora Aunor dahil pareho silang morena. Magalang ang sagot ni Sen. Nancy na malayo ang edad ng Superstar sa edad niya ngayon, kaya parang hindi babagay.
Magpo-46 years old pa lang si Sen. Nancy sa birthday niya sa May 12. Kinabukasan, May 13, botohan na sa midterm elections at dalangin ng senadora, manalo siya bilang re-electionist senator.
Hindi suportado ng Hugpong ng Pagbabago party ni Davao City Mayor Sara Duterte at Otso Diretso si Sen. Nancy, kaya hindi siya nakakasama sa mga sorties ng mga senatoriables. Kumakayod nang mag-isa si Sen. Nancy at advantage ang tingin niya rito dahil nasasabi niya sa mga voters ang plataporma niya na hindi nagmamadali dahil walang susunod sa kanya na magsasalita.
Six years na sa Senado si Sen. Nancy at sa tanong kung ano ang natutunan niya na hindi niya makakalimutan, mabilis ang sagot nitong: “Ang natutunan ko sa pulitika, there is no permanent friend and there is no permanent enemy. Kahit hindi mo kasundo, kung may magandang batas para sa taumbayan, kailangan mong makipagkasundo and work together.”





Comments