top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pinagsamantalahan, nabuntis at nanganak

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 7, 2019
  • 1 min read

Salaminin natin ang pa­naginip ni Aiza ng Azia_ Al­ferez@facebook.com

Dear Professor,

Sa panaginip ko, may lalaki na hindi halos ma­kita ang mukha, tanging ‘yung katawan lang niya ang nakikita.

Pinagsamantalahan niya ako at pagkatapos na­buntis at nanganak ako.

Nu’ng nanganak ako ay iniwan ko ‘yung anak ko sa matanda. Dagdag pa rito, maging ang kaibigan ko ay nakapanaginip ng ga­nito. Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

Aiza

Sa iyo Aiza,

Kapag ang tao, babae man o lalaki ay matured na, sa ayaw at sa gusto niya, siya ay magkakaroon ng mga panaginip na siya ay nakiki­pagtalik, lalo na ang kaba­baihan. Dahil dito, masasa­bing ikaw at ang kaibigan mo ay parehong matured na. Pero, bakit?

Una, ito ay dahil kayo ay magkaibigan. Ibig sabihin, kayo ay napabibilang sa ti­natawag na “birds of the same feather flocks toge­ther”, kumbaga, iisa ang gus­to ninyo, gayundin ang mga ayaw ninyo.

Kaya ang matangkad na lalaki ay parehong nanana­han sa malalim ninyong ka­malayan.

Gayunman, ang sexual encounter na nasa porma ng rape ay nangangahulugang mga birhen pa kayo.

Ang nasa itaas ay ang interpretasyon na nagmula sa punto ng siyensiya at ma­ganda rin na malaman ninyo ito para mabalanse ninyo ang inyong magiging desis­yon sa buhay.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page