top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

PAMPANGA AT BASILAN, NAGPASUKO SA DATU CUP

MC/Alvin Olivar/
Mar 7, 2019
1 min read

WALANG ibang pakay kundi ang maipagmalaki sila ng kanilang mga kababayan, at iyan nga ang ginawa ng Pampanga Lanterns noong Martes ng gabi nang pahiyain sa 91-76 ang wala sa laro na si Gerald Anderson ng Marikina Shoemasters sa MPBL Datu Cup sa Angeles University Foundation Arena sa Pampanga.

Tanggal na ang Lanterns nito lang Lunes, pero hinikayat pa ni coach Aldrin Morante ang kanyang tropa na ipanalo ang laro sa kanilang balwarte upang hindi naman umuwi na dismayado ang mga ito.

Tatlo ang naasahan niya sa kanyang players tulad ni Michal Juico na may 23 puntos, Juneric Baloria na nakagawa ng 21, pero si frontliner Allen Enriquez ang nagtarak ng double-double performance na 20 pts. at 12 rebounds sa dakong huli.

Pinag-ibayo ng Lanterns ang win-loss record sa 10-14, pero hindi naging sapat para makatuntong sa playoff berth dahil tanging 8 teams lang ang aabanse sa next round.

Nalagay sila sa 10th spot ng northern division ng torneo. Maaari pang makapanalo ang Pampanga sa home game laban sa Zamboanga sa Sabado para sa final elimination round.

Nag-iisang binalikat ni Yves Sazon ang laro ng Marikina sa 23 puntos. Samantala sa iba pang laro, pinasuko ng Basilan ang Rizal, 94-90 para sa southern division ng torneo. Nakagawa si ex-pro Jojo Tangkay sa Steel ng 20 points at 7 rebounds para mamuno sa squad.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page