top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Magsasaka tinodas ng katoma

Pabs Hernandez III
Mar 7, 2019
1 min read

CATANDUANES—Isang magsasaka ang napatay nang tagain ng kanyang kainuman, kamakalawa sa Bgy. Buhi, San Miguel sa lalawigang ito.

Ang biktima ay nakilalang si Edgar Buates, nakatira sa nasabing barangay, samantalang, ang suspek ay si Norberto Bermas, residente ng Rapu-Rapu, Albay.

Ayon sa ulat, nang malasing sa inuman ay nagpasya si Buates na umuwi na, pero sinundan ito ng kainuman niyang si Bermas at sa hindi malamang dahilan ay pinagtataga ng suspek ang biktima.

Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page