top of page

Kuya Kim, hindi lang pang-antenna, pang-Kent water na rin!

  • Thea Janica Teh
  • Mar 7, 2019
  • 2 min read

Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Mula sa Walking Encyclopedia ng Pilipinas na si Ernie Baron, ipinamana rin nito sa Gong Yoo ng Pilipinas na si Kuya Kim Atienza ang Baron Antenna. Tatlong taon na natin siyang nakakasama sa bawat panonood ng telebisyon na may malinaw na reception!

Ngunit, mas pinaganda pa ito at mas pinarami ang channel nang magkaroon ng partnership ang Baron Antenna at ABS-CBN. Ang power bundle na pinagsamang ABS-CBN TV Plus Digital Box at BRL Digital Antenna na abot-kaya! Hindi lang ‘yan, mayroon ding Baron Super Antenna, KGL Antenna, BXR Antenna at BRL Antenna na available, nationwide.

Sabi nga, ang Baron Antenna, “ang malinaw na solusyon sa malabong telebisyon sa kahit anong panahon!” Pero hindi lang ‘yan ang subok na ni Kuya Kim kundi pati na rin ang kalinisan ng tubig na ating iniinom!

Dahil sa Kent Philippines, subok na ang tubig na iniinom natin ay malinis at healthy! Kilala si Kuya Kim bilang survivor, father of three, atleta at isa sa mga hinahangaan sa kanyang adbokasiya sa magandang pangangatawan at healthy living. Kaya naman, bagay na bagay na maging bagong mukha ng Kent si Kuya Kim.

Ang Kent Philippines ay may dalawang produkto, ito ay Kent Gold+ na puwedeng ipatong sa kahit saang flat surface, remarkably high water capacity na kayang maglagay ng tubig ng 10 liters at Kent Crystal na gravity based water purifier na gumagana kahit walang kuryente. Hindi rin ito ginagamitan ng kahit anong chemicals tulad ng chlorine kaya naman walang dapat ikabahala sa magiging lasa ng inyong iinuming tubig.

Ang Baron Antenna at Kent ay kapwa distributed by ADTEL, Inc. Para sa iba pang katanungan, maaaring tumawag sa (632) 435-1801/ (632) 435-1803 loc. 301 o mag-email sa kent@adtelinc.com.ph.

♥♥♥

Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page