Kung noon, tinatablan pa, Direk Paul… TONI, MANHID NA SA PANANAKIT

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

AMINADO ang TV host-actress na si Toni Gonzaga-Soriano na isa siya sa mga artista na pinakapinag-iinitan ng mga bashers simula noong pumasok siya sa showbiz.
Ipinost ni Toni sa kanyang Instagram Stories ang kanyang pagbabasa ng mga comments mula sa kanyang mga bashers sa online world.
Ani Toni, “Nakakatuwang magbasa ng assumptions ng tao. If words could kill, matagal na siguro akong patay at pinaglalamayan ngayon.”
Ibinahagi rin ng aktres ang natutunan niya sa tinagal-tagal niya sa showbiz.
Aniya, “Pero praise God because we are still here and surviving the harsh words against us and also for giving us the most powerful weapon to rebuke it. Other peoples’ words won’t kill you. You know what will? YOUR own.
Dagdag pa niya, “Be careful what you say to yourself. Only YOU can kill YOUR own future through YOUR words.”
Pero kung noon ay nasasaktan siya sa mga hindi magagandang komento ng mga netizens, ngayon ay inamin ng aktres na sanay na siya at hindi na naaapektuhan ng kahit anong pamba-bash na ibinabato ng kanyang mga haters.





Comments