top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

ZAMBOANGA, ANGAT NA SA 5TH PLACE NG MPBL DATU CUP

Clyde Mariano
Mar 6, 2019
1 min read

TILA ang Zamboanga-Family Brand Sardines ang pinakahuling MPBL team na umaangat. Idinagdag ng Zambo­anga sa kanilang biktima ang Imus, 83-78 para sa ikaapat na diretsong panalo sa Datu Cup.

Kasunod ng huling pana­lo, umangat ang Zamboanga sa 5th place ng southern division ng torneo ni Senator Manny Pacquiao kung saan si PBA legend at dating PBA MVP Kenneth Duremdes ang commissioner.

Pinag-ibayo ng Zambo­anga ang record sa 12-12, nilampasan ang Bacoor na lumagpak sa 82-71 na pagkatalo sa General Santos City Warriors.

Sina Reed Juntilla ang namayani sa opensiba at si Harold Arboleda sa double-double performance, nakuha ng Zamboanga ang isa pa uling mahalagang panalo nang magwagi bago ang playoffs.

Dating player ng Bara­ko Bull sa PBA, mabagal muna ang simula ni Juntilla sa nakamadang 18 puntos sa second half upang ibigay sa Zamboanga ang scoring spunk na kailangan bagamat naghahabol ang Imus.

Habang si Juntilla ang namahala sa opensa, hindi rin nagpabaya ang kapwa ex-pro na si Harold Arboleda.

Tumapos ang masipag na 6-foot-3 ng 21 points at 10 rebounds.

Pinatibay pa ng Gensan ang kapit sa top four sa southern division sa huling panalo sa Bacoor, na natalo ng tatlong sunod at ikalawang straight sa sariling balwarte. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page