Resbak sa pag-aming BF na si Arjo… SIGAW NG ALDUB FANS: SHOW NI MAINE, IBOYKOT!


MAY banta raw ang ilang AlDub fans na ibo-boycott at hindi na panonoorin ang sitcom na Daddy’s Gurl na pinagbibidahan nina Bossing Vic Sotto at Maine Mendoza kasama sina Wally Bayola, Oyo Sotto, Angelika dela Cruz, Benjie Paras, Kevin Santos, atbp..
Hindi raw nagustuhan ng ilang grupo ng AlDub fans ang ginawang pag-amin ni Maine sa real status ng relasyon nila ni Arjo Atayde. Masyado raw itong dinamdam ng mga diehard fans and supporters ng tambalang AlDub.
Kaya bilang ganti ay hindi na raw nila panonoorin at susuportahan ang Daddy’s Gurl na napapanood sa GMA-7 tuwing Sabado nang gabi.
Oh, well, makakaapekto ba naman ang gagawin nilang pambo-boycott sa sitcom na ilang buwan nang namamayagpag sa ratings? Eh, hindi lang naman AlDub fans ang nanonood ng Daddy’s Gurl dahil mas marami pa namang loyal fans ang Dubsmash Queen.
At maging ang ordinary viewers na nasanay nang manood ng sitcom nina Bossing Vic Sotto ay hindi naman basta bibitaw sa panonood ng Daddy’s Gurl dahil naaaliw sila sa sitcom.
Maging ang mga fans ni Alden Richards, nanonood din kahit hindi kasama sa sitcom ang Pambansang Bae. Naka-schedule na rin ang guesting ni Alden sa Daddy’s Gurl.
Hindi naman nagpapaapekto sa threat na boycott ang cast at staff ng Daddy’s Gurl.





Comments