Pareho raw kasi ang kulay nila, KathNiel… SEY NI SEN. NANCY: KATHRYN, BAGAY NA GUMANAP BILANG AKO!
- BULGAR

- Mar 6, 2019
- 1 min read

“AKO, ang naiisip ko lang na medyo morena ngayon, si Kathryn Bernardo yata, eh. Medyo mas close ang kulay naming dalawa. Pero mas maputi siya,” pahabol ng senadora dahil baka mamaya, ma-bash na naman siya dahil sa sinabi niyang halos pareho sila ng kulay ni Kathryn.
Samantala, dahil napag-usapan ng ilang press people sa book launching ni Sen. Nancy si Kris Aquino kahapon, naalala naming minsan din palang na-link ang TV host sa younger brother ni Sen. Nancy na si dating Makati Mayor Junjun Binay.
Tinanong nga namin si Sen. Nancy kung hindi ba siya nanghinayang na hindi niya naging sister-in-law si Kris.
Sagot ng senadora, hindi naman nanligaw si Junjun kay Kris at talagang kaibigan lang ng pamilya nila ang TV host.
Dahil pareho raw nawalan ng mahal sa buhay sina Junjun at Kris that time kaya naging close ang dalawa, pero hanggang du’n lang ‘yun at wala namang intimate na namagitan sa kanila.
Mga anak daw ang priority that time ni former Mayor Junjun at hindi love life kaya no chance talagang ma-develop ito kay Kris that time.
Anyway, after ng Make Love Not War, isa pang libro ang susunod na ilo-launch ni Sen. Nancy na dapat ay last year pa inilabas pero ngayon lang natapos kaya isasabay na lang daw ito sa birthday niya sa May 12.
So, abangan na lang ng mga supporters… and bashers na rin ng senadora. Hehe!





Comments