top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Malinaw ayon sa birthday... LALAKING NAKATAKDANG MAKAPAG-ABROAD NGAYONG TAON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 6, 2019
  • 3 min read

Dear Maestro,

Nakapagtapos ako ng Marine Transportation at naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman ang kahulugan ng birth­day ko na March 29, 1991.

Sa ngayon ay nagte-training na ako para ma­ka­sampa sa barko. Ang problema, matagal na akong nag-a-apply sa barko, pero hanggang nga­yon ay hindi pa rin ako na­kasasampa, samanta­lang, kung anu-anong training na ang ipinagawa sa akin ng mga agency na ina-apply-an ko.

Kailan ba gaganda ang career ko at ano ang dapat kong gawin upang maka­sampa ako sa barko at ma­tupad na ang pangarap kong maging seaman?

Sana, Maestro, matu­lu­ngan ninyo ako, minsan kasi, parang nawawalan na ako ng pag-asa, ‘yung ibang mga batchmate ko ay na­ka­alis na, ako na lang ang na­iwan dito sa Pili­pinas.

Umaasa,

Marlon ng Del Carmen, Floridablanca, Pampanga

Dear Marlon,

Alam mo, ang mga ta­ong may birth date na 29 o 2 (2+9=11/ 1+1=2) tulad mo ay nabibilang sa tinatawag na “weak number”. Ibig sa­bihin, posibleng nagtataglay ka rin ng “weak perso­na­lity”, kaya naman sa sarili mong diskarte at pagsisi­kap, malabo kang makatag­po ng magandang career at mag­ta­gumpay dahil “weak num­ber” ang birth date mong 2.

Samantala, upang ang “weak number” ay suwer­tehin hindi lang sa career kundi sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay, ang kaila­ngan niya ay “kasangga, ka­tulong, alalay, tagabuyo at puwede rin nating sabihing “padrino”, lalo na kung pag-a-apply sa trabaho ang gina­gawa mo sa kasalukuyan.

Ang “padrino” ay tinata­wag ding “backer” o “taga-lakad” para mas madali kang matanggap sa mga ina-ap­ply-an mong trabaho, local man ito o sa ibang bansa.

Kaya sa susunod, bago ka mag-apply ng trabaho, mas maganda kung magha­ha­­nap ka muna ng taong tu­tu­long sa iyo na nagtataglay ng “strong number” — sila ang mga indibidwal na may mga birth date na 1, 10, 19, 28, 9, 18, 27, 8, 17 at 26 higit lalo kung sila ay isinilang sa zo­diac signs na Sagittarius, Leo o kaya ay kapwa mo Aries.

Samantala, ayon sa hu­gis ng iyong mukha na med­yo bilugan at porma ng iyong katawan na medyo mababa, isang lalaking balbas-sara­do o kaya naman ay may bigote o sabihin na nating ta­mad mag-ahit ng balbas at medyo kayumanggi ang ku­lay ng balat ang tutulong sa iyo.

Dagdag pa rito, ang la­laking ito ay may maitim at matigas na hilatsa ng buhok.

Kaya kapag nakakita ka ng ganyang kaibigan o ka­kilala, siya ang lapitan mo, siguradong siya ang tutu­long sa iyo upang mas ma­dali kang matanggap sa bar­ko o agency na ina-apply-an mo at kasabay nito, ma­dali mo na ring masusung­kit ang iyong mga ambisyon at pangarap sa buhay.

Pagkatapos, kapag na­ka­kita ka na ng “backer” o sabihin na nating aayu­da o susundot sa ginawa mong mga pag-a-apply, pa­lagi kang magsuot ng kulay na tugma sa kapalaran mo.

Ang mga kulay na tug­ma sa kapalaran mo ay ang pula, para sa zodiac sign mong Aries, ber­de at itim para sa birth date mong 2 o 29 at ang dilaw ay para sa destiny number mong seven (7) kung saan naging 7 ang destiny number mo dahil 3+29+1991=2023/ 20+23=43/ 4+3=7).

Sa sandaling nagawa mo ang mga simpleng reko­men­dasyong binanggit na sa itaas, tiyak ang magaga­nap ngayong 2019, sa bu­wan ng Agosto hanggang Disyembre, sa edad mong 28 hanggang 29 pataas, ma­kasasakay ka na sa barko, ma­kapag-a-abroad hang­gang sa maging ganap na seaman at tuluy-tuloy na ring uunlad at lalo pang a­asenso nang aasenso ang in­yong kabuhayan sa taong 2023, sa edad mong 32 pa­taas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page