Magsasaka tepok sa mag-ama
CAGAYAN—Isang magsasaka ang namatay nang pagtulungang gulpihin ng mag-amang kanyang nakaalitan, kamakalawa sa Bgy. Aridowen, Sta. Teresita sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Rufino Corpuz, 53-anyos, samantalang, ang mag-amang suspek ay sina Herminio, 57-anyos at Nelson Bilag, 38, pawang residente sa nasabing lugar.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo si Corpuz at mag-amang Bilag kaya pinagtulungang gulphin ng mga suspek ang biktima na naging dahilan ng kamatayan nito.
Kaagad nadakip ng mga nagrespondeng awtoridad si Nelson, samantalang, pinaghahanap pa ng pulisya si Herminio.





Comments