top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kaya dapat daw alisto kayo, parents...  TIPS PARA HINDI MALUNOD SI BAGETS

Donna Thea Topacio
Mar 6, 2019
2 min read

No Problem

LANGOY na langoy na ba kayo, mga beshy? Ooops, hinay-hinay lang, ha, baka sa katatalon ninyo sa swimming pool, eh, malunod kayo dahil dehins n’yo pala ito abot at hindi kayo marunong luma­ngoy? Ha-ha-ha! Kaya na­man, narito ang mga paraan para maiwa­san ang malunod sa beach o swimming pool:

1. ALWAYS SWIM WITH A BUDDY. Make sure na palagi kayong may kasama, lalo na kung may bata dahil prone talaga sila sa pagkalunod. Huwag ninyong kalilimutan ang tip na ito, okay?

2. SWIM ONLY IN AREAS THAT HAVE A LIFEGUARD. Kung medyo keri naman na ng mga bata ang lumangoy, dapat ay mayroon pa ring lifeguard para kung sakaling magkaroon ng aksidente, eh, may posi­bilidad na makaligtas sila.

3. STAY OUT OF THE WATER WHEN YOU ARE VERY TIRED, VERY COLD, OR OVERHEATED. Kung pagod o masama na ang pakiramdam, huwag ng piliting mag-swimming dahil baka kung ano pa ang mangyari sa inyo kapag nagkataong magkaroon ng problema sa pool.

4. FOLLOW ALL SWIMMING RULES POSTED AT THE SWIMMING AREA. Shoutout sa mga mati­tigas ang ulo, siguradu­hin ninyong susundin ninyo ang mga pata­ka­ran ng resort para de­hins kayo madisgrasya. Okie?

5. OBEY THE LIFEGUARD’S INSTRUCTION. Kung may sinabi ang inyong lifeguard tungkol sa tamang paglangoy, make sure na pakikinggan ninyo ito bago mahuli ang lahat. Gets mo?

6. IF YOU CAN’T SEE THE BOTTOM OF THE POOL IN THE DEEP END OR THE WATER IS CLOUDY, DON’T SWIM THERE. Hu­wag tayong mag-feeling matangkad, kung anong feet lang ang kaya, ru’n lang mag-swimming dahil kung pupunta kayo sa malalim baka hindi ninyo kayanin.

7. AVOID SWIMMING AT NIGHT IN UNLIGHTED AREAS. Marami sa atin ang gusto talaga ng night swimming, pero kung creepy at hindi kayo komportable, mas mabu­ting mag-swimming na lang tuwing umaga.

8. GET OUT OF THE WATER IF YOU SEE LIGHTNING OR HEAR THUNDER. Kung medyo makulim­lim at bumuhos ang ulan ng hindi natin inaasahan, make sure na kapag nakita nating may kidlat, eh, lalayo tayo sa tubig nang sa gayun ay hindi tayo matamaan nito na maaaring maging sanhi ng ating pagkamatay.

Oh, ayan, mga beshy, make sure na iisipin ninyong mabuti ang inyong safety, bago lumangoy, okie? La­lung-lalo na ang kapakanan nina bagets na mahilig mag-enjoy at wala ng pakialam sa ibang bagay.

Have a happy summer vacation!

Copy? Hi-hi-hi!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page