Hospital bills ng aktres, si Gretchen din ang nagbayad… NABULGAR: CLAUDINE, WA' NA DATUNG, '
- BULGAR

- Mar 6, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MAINIT na pinag-uusapan ang muling pagkakamabutihan ng magkapatid na sina Claudine at Gretchen Barretto matapos ang kanilang ilang taong tampuhan.
Ayon sa recent photos ng dalawa na kumakalat sa social media, si La Greta pa ang nag-alaga kay Claudine noong ilang araw itong na-confine sa ospital.
Sa digital talk show ng dalawang batikang kolumnista-host na sina Cristy Fermin at Lolit Solis, ibinulgar nila na diumano ay may utang pa na hindi binabayaran si Claudine sa misis ni Sen. Manny Pacquiao na si Jinkee.
Matapos ang mini-reunion ng dalawa, napag-alaman pa raw na si La Greta ang nagbayad ng hospital bills at tumulong kay Claudine kung saan makikita pa ang pag-i-spoil ni Gretchen sa kanyang nakababatang kapatid sa pamamagitan ng pagbibigay ng malaking stuffed toy at pagdadala ng masasarap na pagkain.
Bukod dito, ikinuwento rin ng dalawang kolumnista-hosts na may isang producer pa raw na tulad ni Claudine ay may utang din kay Jinkee at hindi pa rin nagbabayad, ngunit hindi na nila binanggit ang pangalan nito.
Naging usap-usapan tuloy sa mundo ng social media kung ano ang totoong dahilan ng biglaang pagbabati nina Gretchen at Claudine at kung totoo ba na kaya sila nagkabati ay dahil kumakapit na sa patalim ang huli dahil kailangan na niya ng pera.
Oh, well! Iba nga talaga ang yaman at pagiging generous ng pamilya Pacquiao, pero totoo kaya na hindi pa nagbabayad ng utang si Claudine sa misis ng Pambansang Kamao?





Comments