Gintong krus

Salaminin natin ang panaginip ni Genrich ng Genrich_Sischard@facebook.com
Dear Professor,
Nanaginip ‘yung mama ko ng gintong krus. Ano ang ibig sabihin nito?
Salamat!
Naghihintay,
Genrich
Sa iyo Genrich,
Wow! Ang biglang nauusal ng mga treasure hunter kapag nakakita sila ng gintong bagay, pero mas nakabibilib kung ang gintong bagay na ito ay banal dahil walang katumbas ang halaga ng mga ito.
Alam mo, iho, minsan sa kasaysayan ng Pilipinas, sobrang dami ng digmaan ng mga Muslim at Kristiyano. Kaya ‘yung naririnig mo kay Presidente Digong, totoo ‘yun kung saan hindi nanalo ang mga Kastila laban sa mga Moro.
Simple lang sana ang salitang hindi nanalo dahil ang ibig sabihin nito ay nilusob ang partikular na lugar at ang mga lumusob ay nabigo, pero ang mas malalim na katotohanan na nakatago sa ating kasaysayan ay ang katotohanang ang mga Muslim ang lumusob sa mga bayan na sakop ng impluwensiya ng Kastila kaya ang “hindi nanalo” ay hindi naidepensa ng mga Kristiyano ang kanilang lugar.
Dahil dito, ang mga bayan na pinamamahayan ng mga Kristiyano ay nakukubkob ng matinding takot, labis na pangamba at pinaghaharian sila ng kawalang pag-asa dahil akala nila kapag nilusob sila ng mga Muslim ay susunugin ang lahat ng bahay, papatayin ang mga tao at ang mga babae ay re-rape-pin dahil ang itinamin ng mga Kastila sa isip ng mga tao ay ang Muslim ay mga barbaro.
Dahil dito, ang mga banal na bagay na gawa sa ginto ay kusa nilang inihuhulog sa mga ilog at dagat nang sa gayun ay hindi na ito makuha pa ng mga Muslim na sasalakay sa kanila.
Ang isa pang lihim ay ang katotohanan na kaya mga ginto ang mga bagay na nasa loob ng Simbahan at ginto ang banal na bagay ay dahil ang mga Pinoy noon ay talagang maraming ginto.
Kaya ang napanaginipan ng mama mo na gintong krus ay item for treasure hunter. Tagasaan ba kayo, iho? Saan ba ang probinsiya ninyo? Dahil kapag nalaman ito ng mga treasure hunter ay magugulo ang buhay ninyo dahil palagi nila kayong kokontakin para makakuha ng impormasyon sa inyo.
Maaaring hindi kayo maniwala ng mama mo sa mga nabanggit na sa itaas, kaya pansamantala, ang ginto sa panaginip ay para sa mga taong may mataas na personalidad na may makaharing katangian na sa palasyo naninirahan. Ibig sabihin, madalas na kumikilos ang mama mo sa inyong bahay.
Ang gintong krus sa kanyang panaginip ay para sa kanya na ang nakahulugan ay siya ang kaligtasan ng mga nasa bahay ninyo laban sa kahirapan ng buhay.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo





Comments