top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Dating senador, nakulong dahil sa pandarambong... SIGAW NI BONG: MGA MAGNANAKAW NA PULITIKO, PATAYIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 6, 2019
  • 2 min read

SA isang panayam kaugnay ng kan­yang pangangam­panya sa darating na halalan sa May 13, 2019, ini­hayag ng senatoriable na si Ramon “Bong” Revilla, Jr. na pabor siyang mapan ng kama­ta­yan o death penalty ang mga pulitikong napatunayang nagkasala sa kasong plunder o pagnanakaw.

Sey ng dating senador, “Dapat lang, ‘no? Dapat, para matigil ‘yang ganyang plunder…” nang makapanayam ng mga reporters nu’ng Lunes (March 4).

Buwelta pa ng actor-politician, “At dapat pan din… kumbaga, kasuhan din ng kamatayan ‘yung mga taong false accusers, ‘di ba?

“Ako, pabor ako diyan, para matigil lahat ‘yan, kasi masama rin ‘yung nambi­bintang ka rin nang ‘di totoo, ‘di ba?

“So, ‘yung mga nagpa-plunder, ‘yung mga nagnanakaw talaga sa bayan, dapat kung kinakailangang pan ng kamatayan para matigil na ‘yan… ganu’n, ganu’n lang kasimple.”

Muling idiniin ni Bong na dapat mapa­tawan din ng parusang kamatayan ang mga napatunayang nag-akusa nang mali.

“Eh, papa’no naman ‘yung katulad ko, ‘di ba, na napan ako not guilty, so papa’no naman ‘yung nangyari sa buhay ko?

Gaano ako katagal ikinulong, wina­sak ang buhay ng pamilya ko, ‘di ba?” pahayag pa ng senatoriable.

Nasangkot ang pangalan ni Bong sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel scam noong 2013.

Inakusahan siya ng diumano’y pagbubulsa ng P224 milyong kickback mula sa negosyanteng si Janet Lim-Napoles, na lumikha umano ng bogus projects para maibulsa ang bilyun-bilyong halaga ng PDAF.

Si Napoles ang itinuturong mastermind ng pork barrel scam.

Na-detain si Bong sa Camp Crame simula 2014. Noong December 2018, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay Bong, matapos ang apat na taong pagkaka-detain.

Pero nahaharap pa rin si Bong sa 16 graft charges hinggil sa pork barrel scam.

Bukod kay Bong, dalawa pang tuma­takbong senador ang nasangkot sa pork barrel scam — sina dating Senador Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile.

September, 2017 nang payagan ng San­diganbayan 5th Division na makapag­piyansa ng P1 milyon para sa kasong plunder. Nakapagpiyansa rin si Enrile sa halagang P1 milyon.

Gayunpaman, nahaharap pa rin sina Estrada at Enrile sa kasong plunder.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page