top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

TRACKSTERS SA ATHLETICS, MAGPOKUS SA LARO SA NAT’L OPEN CHAMPIONSHIPS

Clyde Mariano
Mar 5, 2019
1 min read

MAGLARO nang hus­to at huwag labis na magkum­piyansa para maiwasan ang kahihiyan kapag natalo sa mga banyagang kalaban at mga bagitong atletang may kaka­yahang gumawa nang panga­lan bagamat pabori­tong mana­lo dahil sa kanilang malawak na karanasan sa iba pang international competi­tions.

Ito ang paalala ni PATA­FA president Philip E. Jui­co sa mga Southeast Asian Games bound athletes, sina­bi niya ito isang araw bago umpisahan ang foreign-laced National Open Athletics Championships na aarang­kada sa Miyer­kules, Marso 6 matapos ang 14th South­east Asia Youth na dinomina ng Thailand na humakot ng 16 na ginto, 8 silvers at 4 bronzes na ina­gaw ang kara­ngalan sa defending champion Vietnam na kumulekta ng 7-9-10 total medals.

May kabuuang 864 athletes kasama ang mula Singapore at Malaysia at Filipino- Americans na sina Natalie Uy, Donovan Arrio­la, Anthony Trenten Beram at Carter Lily at mula sa athletics clubs ng UAAP, NC­AA at SCUAA ang kalahok sa tatlong araw na torneo na gagawin sa Ilagan Sports Complex sa Isabela.

Si Uy ng Talisay Cebu at ang ina ay isang American ay ngayon lang sasali sa National Open sa pole vault. Ayon sa 24-anyos na mass­comm graduate at fulltime athlete na gagawin niya ang lahat para manalo sa una niyang paglahok sa torneo.

Hawak ni Uy ang personal best 4.30 meters at higit sa 4.11 meters national record ni Deborah Samson sa Carritos Invitational sa USA noong 2008.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page