top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

LAGUNA, DASMARIÑAS AT ZAMBOANGA, NAPAKAHUSAY SA NBL PRESEASON

  • Alvin Olivar
  • Mar 5, 2019
  • 1 min read

NAGTAPOS nang may malinis na kartada ang Laguna, Dasmariñas, at Zamboanga sa National Basketball League pre­season na ginanap kama­ka­ilan sa Hagonoy Sports Com­plex sa Taguig City.

Tinalo ng Laguna Pis­tons ang defending cham­pion na Parañaque Aces, 87-82, para makopo ang 2-0 na kartada sa pre­season.

Gayundin ang ginawa ng Dasmariñas Ballers sa kanilang pagdaig kontra Taguig Generals, 76-74.

Nanalo ang Zambo­anga Valientes kontra Bu­lacan Starks, 80-59, sa kanilang kaisa-isang laro sa preseason.

Ginanap ang presea­son upang magsilbing paghahanda para sa ko­ponan sa parating na pa­ngalawang season ng NBL na magsisimula sa Sabado sa Sta. Rosa Multi-Purpose Complex sa Sta. Rosa, Laguna.

Nanguna si King Fad­riquela sa pag-iskor ng 22 points sa panalo ng Pistons kontra Aces sa preseason tournament.

Tinalo rin ng Pistons ang Pasig Rios, 85-67, sa preseason habang nanalo ang Ballers kontra sa Que­zon City Rising Stars, 81-72.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page