Laborer timbog sa boga
LA UNION—Isang laborer ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng baril, kamakalawa sa Bgy. Francia West, Tubao sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Rolando Salvatera, residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na sinalakay ng pulisya sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte ang bahay ni Salvatera at dito nakumpiska ang baril at mga bala.
Nakapiit na si Salvatera na nahaharap sa kasong illegal possession of firearm and ammunitions at paglabag sa election gun ban.





Comments