HOROSCOPE | MARSO 5, 2019 (Martes)
- BULGAR

- Mar 5, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG MARSO 5, 2019 (Martes): Huwag kang mag-alinlangan. Ito ang utos ng iyong kapalaran kaya mas maganda kung magiging mabilis ka sa lahat ng bagay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka puwedeng talunin ng iyong lungkot dahil ang mga suwerte ay magsisidapo sa iyo kapag ikaw ay natagpuang masaya dahil hindi mo iniisip ang mga problema na nasa harapan mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-19-20-23-38-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumilos ka nang kumilos ng naaayon sa plano mo. Huwag kang mag-alala dahil ang mga pangyayari na puwedeng makaabala sa iyo ay itataboy ng langit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-10-14-15-24-36.
GEMINI (May 21- June 20) - Kahit wala kang ginagawa at anuman ang iyong paniniwala, ang mga suwerte ay darating sa iyo na parang nagmamadali at hindi na maaawat. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-25-28-33-34-46.
CANCER (June 21- July 22) - Nabubuwal ang punongkahoy dahil hindi ito nakikiayon sa ihip ng malakas na hangin. Sakyan mo lang ang mga kaganapan sa iyong harapan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-12-13-22-39-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Unahin mo ang iyong kabuhayan. Huwag mo nang tutukan ang iba pang mga bagay. Ang araw ngayon at ang ilan pang mga araw na darating ay para sa pagpaparami ng pinagkakakitaan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-13-14-28-33-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bawasan mo ang pag-aanalisa sa mga bagay-bagay at dagdagan mo ang iyong kilos sa mga gusto mong mabilis na matapos. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-18-20-21-28-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi na mahalaga kung ano ang tawag mo sa mga nangyayari sa buhay mo. Ang importante ay malaman mo na ang mga ito ang iyong kailangan para sa ikabubuti mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-15-20-21-32-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kailangan mong dagdagan ang kapos o kulang at obligado ka ring bawasan ang mga kalabisan. Suriin mo ang iyong sarili nang sa gayun ay malaman mo kung paano mo aayusin ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-24-25-38-43-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hamunin mo ang iyong sarili nang sa gayun ay maibigay mo ang lahat ng iyong makakaya. Ito ang sikreto ng tagumpay ng mga taong nakatagpuan ang ganap na kaligayahan sa buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-7-14-23-33-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang maniwala sa mga nagsasabing mahihirapan kang gawin ang mga plano mo sa buhay. Kapag ang tao ay totoong desidido, ang lahat ay magagawa niyang madali. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-11-17-20-27-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Gawin mo nang mag-isa ang gusto mong gawin. Kapag may kasama ka, hindi mo magagawa ang gusto mo dahil magiging sagabal lang sila sa mga ikikilos mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-12-28-31-32-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumikit ka sa mga taong mabilis kumilos at bibilis din ang kilos mo. Kapag ang nadikitan mo ay nag-aalinlangan, hindi aabante ang iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-14-16-24-27-33.




Comments