Babaeng malapit ng mahulog ang loob sa lalaking may pamilya na

Dear Roma,
Ako si Arianne, 23 years old. Mayroon akong ex na nagkaroon na ng anak, pero ngayon hiwalay na siya sa babae at gusto niyang manligaw sa akin. Kaya lang naiisip ko na baka i-judge kami ng mga tao at hindi siya matanggap ng pamilya ko. Ano ang dapat kong gawin? — Arianne
Arianne,
Alam mo, iha, kung saan ka masaya ‘yun ‘yung sundin mo kasi, sa totoo lang, lahat naman ng tao ay may masasabi kahit gaano pa kaganda ang relasyon dahil hindi na natin maiiwasan ‘yun. Kaya kung gusto mong maging masaya, gawin mo ang bagay na magpapasaya sa iyo ng hindi nag-iisip ng kung anu-ano. Kaya mo ‘yan, laban! Okie? Good luck at God bless!





Comments