2 sikat na aktor ng Korea… PARK BO GUM, PUMAYAG NANG MAGSAMA SILA SA MOVIE NI GONG YOO
- Lee Vin Nia
- Mar 5, 2019
- 1 min read

KUMPIRMADO na ang pagsasama nina Gong Yoo at Park Bo Gum sa big screen dahil tinanggap na ng huli ang pelikulang Seo Bok (tentative title) na noon pa ino-offer sa kanya.
Ito ang bale comeback movie ni Park Bo Gum after 4 years since Chinatown kaya naman tuwang-tuwa ang mga fans niya na muli siyang mapapanood sa big screen at si Gong Yoo pa ang kasama.
Noon pa ay tinanggap na ni Gong Yoo ang pelikula at talagang ang pag-oo na lang ni Bo Gum ang hinihintay para masimulan na ang shooting.
Ang Seo Bok ay kuwento ng isang intelligence agent (Gong Yoo) na makaka-encounter ang first human clone na si Seo Bok. Dito magsisimulang maging kumplikado ang buhay niya dahil maraming gustong magmay-ari sa clone.
Si Bo Gum ang gaganap ng role na Seo Bok, the first human clone. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mapapanood ang ganitong tema sa isang Korean film.
Ididirehe naman ito ni Lee Yong Joo ng Architecture 101 at ngayon pa lang ay marami na ang excited sa movie lalo pa nga’t pagbibidahan ito ng dalawa sa pinakasikat na aktor sa South Korea.





Comments