‘Di takot sa mga fans nila ni Alden… MAINE, HANDANG MAWALAN NG CAREER PARA KAY ARJO
- BULGAR

- Mar 5, 2019
- 1 min read

MATAPANG, matatag at hindi natatakot ang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza sa maaaring mangyari sa kanyang pag-amin sa relasyon nila ng aktor na si Arjo Atayde.
Ang pag-aming ito ni Maine ay itinaon niya mismo sa kanyang kaarawan noong Linggo (March 3) at idinaan niya ang lahat ng kanyang rebelasyon sa kanyang blog entry nu’ng Sabado (March 2).
Nakiusap si Maine sa mga fans nila ni Alden Richards na tanggapin siya bilang si Maine Mendoza at hindi ang Yaya Dub na isang fictional character na inidolo nila.
Napakahaba ng ginawang pagpapaliwanag ni Maine sa kanyang entry sa blog. Dito rin niya sinabi na handa siyang tanggapin kung anuman ang magiging consequences ng ginawa niyang pag-amin.
Hindi na nga kayang dayain pa ni Maine ang kanyang sarili at patuloy na paasahin ang AlDub Nation na nagpapantasya pa rin na sila ni Alden Richards ang magkakatuluyan sa bandang huli.
Pero, hindi na nga nakayanan pa ni Maine ang pamba-bash ng mga AlDub fans sa mga taong malalapit sa kanya na may kasama pang pagbabanta. Kaya once and for all, siya na mismo ang umamin sa real score sa kanila ni Arjo.
Sa tanggapin o hindi ng AlDub Nation, wa’ na siyang kiber! ang bitter?





Comments