Rider utas sa trak
Pabs Hernandez III
Mar 4, 2019
1 min read
SORSOGON—Isang rider ang namatay nang aksidenteng mabangga ng trak ang minamaneho nitong motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Sogoy, Castilla sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Wenceslao Mantes, nakatira sa bayan ng Pilar sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng trak na minamaneho ni Oro Goyal kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng biktima.
Nakapiit na si Goyal na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.





Comments