PhilHealth, malugod na sinalubong ang Universal Health Care Act
Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Kamakailan lamang ay pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11223 o An Act Instituting Universal Health Care for all Filipinos, Prescribing Reforms in the Health Care System and Appropriating Funds. Katuwang ng batas na ito ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kaya naman awtomatiko na ang lahat ng Pilipino ay miyembro ng PhilHealth.
Ang lahat ng miyembro ng PhilHealth ay kasali na rin sa National Health Insurance Program (NHIP). Ito ay maaaring direct contributors (employed o employer-employee relationship, self-earning, practicing professionals, migrant workers at lifetime members) o indirect contributors (indigent at senior citizens).
Ibinahagi rin ng PhilHealth na hindi lang ang health care ang magiging abot-kaya at libre, kasama rin sa budget ang pagsasaayos ng mga facility o ospital sa iba’t ibang lugar kasama ang mga lugar kung saan wala pang health center o ospital.
Bukod dito, ipinagdiriwang din ng PhilHealth ang kanilang ika-24 taon sa temang “Tungo sa Kalusugan Para sa Lahat”. Dahil sa patuloy na pagsuporta ng mga miyembro nito ay tinapos ng PhilHealth ang 2018 sa net income na P11.6 bilyon at ito ang best financial health so far. Kaya naman, patuloy pa rin ang pagbibigay ng magandang serbisyo ng PhilHealth, lalo na at aprubado na ang Universal Health Care Act.
Good news din para sa mga children with disability dahil ang latest addition sa Z Benefit Packages ay para sa kanila. Ito ay para sa mga batang may visual impairment, hearing disability, mobility impairment at developmental disabilities.
Para sa iba pang katanungan, maaaring bumisita sa kanilang social media platforms. “Muli po, sama-sama nating tiyakin na ang bawat Filipino ay miyembro, bawat miyembro ay protektado, kalusugan nating lahat sigurado,” sabi ni PhilHealth acting President and CEO Dr. Roy B. Ferrer.
♥♥♥
Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments