Para sa b-day ng Dubsmash Queen, Alden… MAINE AT ARJO, MAGKASAMANG NAG-TAIWAN, HULI SA AIRPORT
- BULGAR

- Mar 4, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

NAKITA sa NAIA sina Maine Mendoza at Arjo Atayde kahapon at ang sabi, sa Taiwan ang punta nila para roon i-celebrate ang birthday ng aktres kahapon.
May mga fans na nakapagpakuha ng picture sa dalawa, kaya lang, hindi pa rin sila pumayag na magpakuha ng litrato na magkasama.
Ini-expect kasi na papayag nang magpakuha ng picture na magkasama sina Arjo at Maine pagkatapos lumabas sa blog ng Dubsmash Queen ang pag-amin na nagde-date sila ni Arjo and in fact, pumunta na sa bahay nila sa Bulacan ang aktor to meet her parents and her siblings.
Alam na rin daw ng mga friends niya ang tungkol kay Arjo.
Siguro, may kasunod pang pag-amin kina Maine at Arjo bago sila pumayag magpakuha ng litrato na magkasama, para na rin maniwala na ang mga nagdududang hindi totoo ang relasyon nina Maine at Arjo at ipinagpipilitang ang totoo ay sina Maine at Alden Richards ang may relasyon.
Anyway, bukas na kaya uli ang blog ni Maine? Last Saturday kasi, after lumabas ang kanyang blog, nasuspinde ang website niya dahil siguro sa dami ng bumisita o nakalimutan niyang magbayad ng hosting fee.
Ayaw din pala ng basher na makipagkita kay Kris. Sayang, chance na niyang makita at makausap nang personal si Kris, tumanggi pa.





Comments