Para malaman kung puwedeng maglagay ng crew | U.S. NAGPALIPAD NG ‘UNMANNED CAPSULE’ SA KALAWAKAN
PINALIPAD ng Estados Unidos ang unmanned capsule sakay ng SpaceX Falcon 9 rocket patungong International Space Station, kamakalawa.
Sakay ng naturang capsule ang life-size test dummy na pinangalanang si Ripley na mula sa pangalan ng lead character sa pelikulang “Alien”.
Gayunman, layon ng test flight na masuri ang kakayahang maglagay ng crew sa Dragon Capsule ngayong taon.
Mananatili ng limang araw sa kalawakan ang capsule na sasailalim sa tests at inspeksiyon nina U.S. Astronaut Anne McClain at Canadian Astronaut David Saint-Jacques.





Comments