top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Alamin mula kay Señor... MGA PARAAN PARA GUMANDA ANG LOVE LIFE

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 4, 2019
2 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Lanna ng Lanna_Del_Rosario@ facebook.com

Dear Señor,

Itatanong ko lang kung ano ang mga da­­pat gawin para gu­manda ang love life ko?

Palagi na lang ka­biguan ang narara­nasan ko ngayon, kaya uma­asa ako na ma­sasagot ninyo ako nang sa ga­yun ay lumigaya na­man ang buhay ko.

Naghihintay,

Lanna

Sa iyo Lanna,

Kapag sinabing bigo, ibig sabihin, nagtangka pero, hindi niya nakuha ang kanyan gusto.

Kumbaga, umibig ka, pero nasaktan lang. Nag­mahal ka, pero hindi ka lumigaya.

Nagkaroon ng re­lasyon, pero nauwi lang sa wala. Sumaya ka, pero nalungkot din na­man.

Ang mga ganu’ng karanasan ay nanganga­ilangan ng pagsusuri sa sarili dahil ang mga pag­kakamali at pagku­k­u­lang ay malamang na nasa iyong sarili.

Normal lang na ang mga taong nabibigo ay lumalabis ang tiwala sa sarili, kaya sa huli ay nag­sisisi.

Narito ang ilang mga mahalagang bagay na dapat mong isabuhay:

1. Ugaliin mong maglinis ng bahay. Sa biglang tingin, walang kaugnayan ito sa love life, pero ang taong hin­di nakalilimot na mag­­linis ng kanyang silid ay hindi natatalo ng pangit na kapalaran, kumbaga, sa love life ay hindi rin siya papayag na masira ito nang dahil lang sa kan­yang mga pangit na ugali kaya siya mismo ang gagawa ng paraan para luminis o gumanda ito.

2. Magplano o pla­nuhin mo ang iyong bu­hay. Malabong mabigo ang taong may plano sa buhay, gayundin sa love life, ang nakasisira ay ang nagmamahal na wala namang plano sa hina­harap.

3. Mahalaga sa mga gamit ang may kani-kan­yang espasyo, kumbaga, ang bahay na magulo ang mga gamit ay hindi pinahahalagahan ang espasyo.

Sa love life, kaila­ngang may espasyo ang isa‘t isa dahil kapag wa­lang espasyo ang bawat isa, ang relasyon ay ma­a­aring mawasak.

4. Magsuot ka ng alahas, hindi naman im­portante kung mamaha­lin o hindi, ang maha­laga ay may suot kang alahas dahil ang taong may alahas ay makiki­tang pinahahalagahan niya ang kanyang re­lasyon.

5. Gamitin ang “po­wer of the moon”. Sa full moon, itapat ang date habang sa new moon ay sabihin ang salitang “forever”.

Good luck and God bless!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page