THAILANDER, GOLD AGAD SA HIGH JUMP NG ASIA YOUTH

ILAGAN, Isabela-Sinalubong ni Peerapat Insuwan ng Thailand ang pagsikat nang haring araw at tinanghal na unang gold medalist sa high jump at pinangunahan ang tatlong medal haul sa kanyang bansa at sumosyo sa overall defending champion Vietnam tig tatlong ginto at bigo ang mga Pinoy at nakuntento na lamang sa isang pilak at tatlong tanso sa Day 1 sa 14th Southeast Asia Youth Athletics Championships na ginawa sa Ilagan Sports and Cultural Center.
Inangkin ni Insuwan ang ginto nang tumalon sa 1.93 meters at tinalo sina Jonathan Pua Wei Kai ng Singapore at local pride Patrick Shane Tolentino. Nagtabla sina Insuwan at Pua sa talong 1.93 meters subalit nakuha ng Thai ang ginto sa lesser attempt. Ang kanyang golden leap ay dinuplika nina Bandit Singhatongkul na nagwagi sa discus boys 51.67 meters at Nattticha Sengha na nanalo sa 100m hurdles girls 15.40 segundo kaya determinado ang strong 48-field Thailand delegation na higitan ang 5 ginto na nakuha noong 2018 na dinomina ng Vietnam 13-8-0 sa kabuuang medalya at gumawa ng dalawang bagong meet records sa kabayanihan nina Thruong Cuong Nguyen sa 1500m at Le Howa Phuong shot put.
Dinomina ni Duy Thuc Huynh ang 2000m steeplechase boys sa oras na 6:10.70 seconds at fellow Vietnamese sina Thi Kim Phuong Le na nagwagi sa 800m girls 2:14.34 seconds at Thanh Sang Nguyen na nanalo sa 800m boys 1:58.59 segundo at pakay panatilihin ang overall na nakuha nila noong 2018. Bigo ang mga Pinoy at nakuntento na lamang sa isang pilak galing kay Princess Jean Nazaro sa 100m hurdles sa oras na 15.61 seconds sa likod ni Natthica Sengha ng Thailand. Hindi na umaasa ang host country na makakakuha ng maraming medalya dahil binuo ang team galing sa Batang Pinoy, Palarong Pambansa, Regional Meet at Provincial, dalawang araw bago simulan ang torneo na ‘di tulad sa Thailand, Vietnam at Indonesia na may youth team.





Comments