top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Negosyante tepok sa riding-in-tandem

Pabs Hernandez III
Mar 3, 2019
1 min read

COTABATO CITY—Isang negosyante ang namatay at sugatan naman ang kaibigan nito nang barilin sila ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Rosary Heights sa lungsod na ito.

Kinilala ang nasawi na si Rebonito Padlan, samantalang, ang sugatan ay si Joven Dapat, kapwa residente ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, lulan ng Toyota Rav 4 sina Padlan at Dapat nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang mga biktima.

Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Padlan, samantalang, iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo sa naganap na krimen.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page