Mga naging lalaki niya, hinalungkat ng madlang pipol… KRIS, AYAW PANIWALAANG SI IPE ANG NAKA-DEVIRGI


Dahil sa biro at dahil sa salitang “naloko,” ayan, binuksan tuloy ni Kris Aquino ang nakaraan nila ni Phillip Salvador at very open sa pag-amin na ito ang naka-devirginize sa kanya at the age of 23.
Tanong ng neighbor naming si Joy Dominguez, “‘Teh, si Ipe pala? Ibig sabihin, hindi si ano, si ano at si ano…?” and she enumerated several guys na na-link kay Kris noong younger days nito.
Dagdag nito, “At ‘di ko alam ‘teh na may naging ugnayan pala sina Rosanna Roces at Ipe.”
Eh, kasi nga, ru’n sa FB Live ni Kris kung saan naglitanya siya about her past with Ipe, binanggit pa nito ang mga gabing hindi umuuwi agad sa kanya ang tatay ni Joshua at ang nalaman niyang affair nito with Rosanna Roces.
“Sampal din sa mukha ko nu’ng idinetalye ni Rosanna Roces ‘yung affair nila habang kami pa mag-asawa,” sabi ni Kris.
Ayan, pati tuloy ang nakaraan nila, napag-uusapan pa sa aming neigborhood. Is that what you call washing the dirty laundry in public?
In fairness, despite sa mga sinabi ni Kris, naging isang gentleman si Ipe. Sinagot naman nito ang sinabi ng senatorial candidate na si Bong Go na hindi niya niloko si Kris bagkus ay minahal niya ito.
At sagot niya sa mga sinabi ni Kris, “Inirerespeto ko siya. After all, ina siya ng aking anak.”
Tama lang ang ginawa ni Ipe. Kasi, wala siyang laban kay Kris. When it comes to spoken words, meron pa bang tatalo sa Queen of All Media?





Comments