top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Lalo na kung ito lang ang kanilang libangan... SOBRANG PANONOOD NG TV NG MGA TAONG MAY EDAD NA 50, N

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 3, 2019
  • 2 min read

MAHILIG bang manood ng TV sina mommy, lola, tita at tito na nasa edad 50? Naku, knows ba ninyo na kapag na­sobrahan sila sa panonood, eh, maa­aring maapektu­han ang kanilang me­morya? Hala!

Ayon sa mga dalub­hasa, ang mga taong nasa middle age na madalas na nanonood ng TV ay maa­aring makaranas ng me­mory loss.

Sa pag-aaral na isina­gawa sa 3,600 older adults, natuklasan ng mga dalub­hasa na ang sobrang pano­nood ng soap opera, docu­mentaries at reality shows ay nakare-reduce ng abili­dad na maalala ang mga salita ng 10 porsi­yen­to.

Gayunman, ang in­yong paboritong palabas ay ma­aari umanong maka-trig­ger ng ‘cognitive stress’ na maaaring humantong sa tuluyang pagkawala ng memorya.

Dagdag pa rito, maaari rin tayong ilayo nito sa mga bagay na nakapagpa­patalas ng pag-iisip tulad ng pagbaba at paglalaro ng mga educational game.

Maliban pa rito, ayon sa mga researcher mula sa University College Lon­don na pinangunahan ni Dr. Daisy Fancourt, senior research associate in the behavioural on children, marami na umanong lu­mapit sa kanila na mga nasa edad 50 pataas kung saan pinoproblema ng mga ito ang mabilisang pagka­limot sa mga bagay-bagay kahit noon ay napa­katalas ng kanilang me­morya kung saan dito na natuklasan na kara­mihan sa kanila ay halos na­katutok sa TV, araw-araw, sa kadahilanang ito ang pinakamadaling liba­ngan na maaari nilang ga­win sa tuwing nabo-bored sila o kaya ay wala silang kasa­ma sa bahay.

Bagama’t, may bene­pisyo ring naibibigay ang panonood ng TV, ipina­payo ng mga eksperto na dapat umano ay hindi ito masosobrahan sa 5 oras pataas kung ayaw ng indi­bidwal na tuluyang maka­limutan ang mahahala­gang bagay sa ating buhay.

Oh, ayan, shoutout sa mga beshy natin diyan na may mga magulang, tita, tito, lolo at lola na may edad 50 pataas, make sure na babantayan ninyo sila sa panonood nang sa gayun ay dehins sila magkaroon ng memory loss o kaya sa kasamaang-palad ay Al­zheimer’s Disea­se at De­mentia. Magbasa na lang tayo ng diyaryo, mas ma­inam pa! He-he-he!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page