Kaya kahit pambili ng pagkain, tipid na tipid… YEONWOO NG MOMOLAND, UMAMING WALA PANG KINITA MULA NA
- Lee Vin Nia
- Mar 3, 2019
- 2 min read

Ang daming naawang netizens kay Yeonwoo ng Momoland nang sabihin niya sa kanyang guesting sa Village Survival, The Eight 2 ng SBS na wala pa siyang natatanggap na earnings simula nang magsimula siya.
Sa nasabing show ay iso-solve ng cast ang mystery at ang mananalo ay mag-uuwi ng 10 million won (approximately $8,900).
Natanong si Yeonwoo kung ano ang gagawin niya sa cash prize sakaling manalo siya at dito nga niya binanggit na wala pa siyang kinikita since she made her debut.
“I haven’t received any earnings yet since I made my debut. So that 10 million won would be my first earnings,” sabi ni Yeonwoo.
Paliwanag naman ng isa sa cast members na si Yoo Jae Suk, “When a group debuts, their earnings usually go into covering all the agency’s expenses during the training period.”
Pagbubunyag pa ni Yeonwoo, kasalukuyang nagbabayad pa siya ng utang sa kanyang agency.
“I’m still in debt. Every day is spent in a pile of debt,” she said.
Sinabi rin niya na pati sa pagkain ay may limit sila at matagal nang hindi nakakakain ng karne kaya kapag nanalo siya ay ibibili niya ng masasarap na pagkain.
“To be honest, I’m still cautious when it comes to food because we have a limit on how much we can spend per meal. It used to be 7,000 won (approximately $6.2) but it’s been increased to 10,000 won (approximately $8.9). It’s been about six months since I’ve eaten beef, so if I win the prize, I want to eat delicious meals all the time,” saad pa ni Yeonwoo.
Naawa rin ang ibang cast members kay Yeonwoo at naka-relate sila dahil nakaranas din daw sila ng similar situation noong nagsisimula pa lang.
Sey ng cast members, “Let’s let Yeonwoo find the prize,” “I’m not going to look for anything today,” and “She talks about it with such a bright expression but my heart aches.”
Pati ang mga netizens ay nag-react at dapat naman daw ay huwag kunin lahat ng management ang earnings at bigyan ang talents ng kahit maliit na porsiyento habang nagbabayad ng utang.
Ayon naman sa isang netizen, ganito talaga ang kalakaran sa showbiz industry among K-pop idols.





Comments