top of page

BULLS SINUWAG ANG HAWKS SA 4 OT CELTICS, MAS MALAKAS SA WIZARDS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 3, 2019
  • 1 min read

PERPEKTO si Lauri Markkanen sa 3-shot foul sa ikaapat na overtime upang ilagay sa kalamangan ang Chicago at tulungan ang bisitang Bulls na makatarak ng 168-161 win laban sa Atlanta Hawks sa NBA game kahapon.

Si Markkanen ay na-foul ni Alex Len ng Atlanta sa 3-point attempt sa nalalabing 1:59 na tatlong sunod na nagawa ang 3. Bahagi ito ng 7-0 Chicago run upang maiposte ng Bulls ang ikalawang straight victory at ika-5 nila sa anim na laro. Tumapos si Markkanen na may 31 points, ang ika-12 niyang straight game na may 20-plus points. Dumagdag siya ng 17 rebounds para sa kabuuang ika-5 straight double-double, career best.

Bumasket si Zach LaVine ng Chicago ng career-high 47 points at may 6-for-14 sa 3-point attempts at may 9 rebounds at 9 assists. May 31 puntos si Otto Porter Jr. 7 treys at 10 rebounds. Nakagawa sa Atlanta ng career-high 49 points si rookie Trae Young, na may 17-for-33 at anim na 3-pointers, 16 assists at 8 rebounds. Bumalikat si Len ng 24 points at 10 rebounds.

Samantala, pinamunuan ni Al Horford ang 7 players sa dobleng pigura sa bisa ng 18 puntos nang talunin ng Boston Celtics ang bisitang Washington Wizards, 107-96 para tuldukan ang 4-game losing streak. Nakagawa si Kyrie Irving ng 13 points at 12 assists para sa Celtics na nakuha ang unang panalo mula noong All-Star break. May 17 puntos si Marcus Morris at may 16 si Marcus Smart. (MC / ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page